"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
MAGBAYAD NG INYONG BUWANANG BAYARIN GAMIT ANG GCASH
Kamay-ari!
Magbayad ng inyong buwanang bayarin gamit ang GCash. Narito ang mga paraan kung papaano:
1. I-tap ang “Bills”;
2. Piliin ang “PALECO”;
3. Ilagay ang mga detalye tulad ng halaga ng bayarin, 12 digit Account Number at Account Name. Tandaan lamang na kasama sa 12 digit na Account Number ang mga dash (-);
4. I-tap ang “Next”; at
5. I-confirm ang iyong bayad.
Dahil sa kanilang ginawang system update, real time na ang posting ng inyong mga bayarin.