Palawan Electric Cooperative

ππ€π‹π„π‚πŽ, π‘πšπ­πžπ β€œπ€π€π€β€ 𝐍𝐚!

Nakamit na ng Palawan Electric Cooperative o PALECO ang pinakamataas na antas ng performance rating para sa mga electric cooperative sa bansa β€” ang β€œAAA” rating β€” alinsunod sa Memorandum No. 2023-21 ng National Electrification Administration (NEA) para sa overall performance nito noong 2025.
Β 
Batay sa inilabas na Memorandum No. 2026-26 ng NEA hinggil sa 2025 Annual EC Overall Performance Assessment, kabilang ang PALECO sa 91 electric cooperative sa buong bansa (mula sa kabuuang 121 ECs) na ginawaran ng β€œAAA” rating. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng Kooperatiba ang naturang pagkilala matapos makapagtala ng mataas na 97% point score.
Β 
Ibinahagi ni Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng PALECO, ang magandang balita sa mga kawani ng Kooperatiba sa isinagawang flag ceremony noong Lunes, ika-25 ng Mayo. Buong pagmamalaki niyang binalikan ang pag-angat ng performance rating ng PALECO mula β€œA” rating hanggang 2022, naging β€œAA” noong 2023 at 2024, at ngayo’y opisyal nang β€œAAA”.
Β 
Pinasalamatan at kinilala ni Engr. Contrivida ang ambag ng bawat kawani sa tagumpay na ito. β€œKayo ang nakasama ko. Kaya na-attain natin ang β€˜AAA’,” ani niya. Nagpasalamat din siya sa suporta at tulong na ibinigay ng Interim Board of Directors ng Kooperatiba.
Β 
Matatandaang nakamit din ng PALECO ang Green Classification para sa taong 2025 matapos nitong maabot ang pitong performance parameters at standards ng NEA alinsunod sa Memorandum No. 2024-21. Patunay ito ng patuloy na pagpapahusay ng serbisyo ng pamunuan at mga kawani ng Kooperatiba para sa kanilang mga member-consumer-owner (MCO).
Β 
Sa isinagawang Annual EC Overall Performance Assessment (2025), masusing sinuri ang financial, institutional, at technical performance ng PALECO, gayundin ang antas ng electrification nito.
Β 
Sa presentasyong isinagawa kasabay ng anunsyo, iprinisenta ni Engr. Rogelio G. Baylon, Jr., Manager ng Corporate Planning Department (CPD), kung paano nakamit ng PALECO ang 97% point score. Layunin nitong maipakita ang mga aspetong kinakailangang higit pang pagbutihin at ang mga programang dapat ipagpatuloy at mapanatili.
Β 
Sa huli, binigyang-diin ni Engr. Contrivida na ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa Kooperatiba kundi para sa lahat ng MCO ng PALECO na patuloy na pinaglilingkuran nito.
Β 
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com