WARRIORS OF LIGHT IN ACTION
Pagtutulungan ng mga lineworker mula sa Palawan Electric Cooperative (Paleco) at National Power Corporation (NPC) upang magtayo ng kapalit ng bumagsak na dalawang (2) transmission line structure ng NPC sa Brgy. Maasin, Brooke’s Point.
Matatandaang bumagsak ang transmission line structure nos. 216 at 217 ng NPC noong ika-10 ng Pebrero kasabay ng matindi at tuloy-tuloy na pag ulan.
Bunga ng ipinatawag na emergency power family meeting ni General Manager Rez L. Contrivida noong ika-11 ng Pebrero, nagpadala ng karagdagang manpower ang Paleco sa NPC upang makatulong na mapabilis ang pagtatayo ng kapalit ng mga nasirang transmission line structure.
Dahil sa kawalan ng magagamit na transmission line, hindi makatawid ang suplay patungo sa mga munisipyo ng Sofronio Española, Brooke’s Point at Bataraza. Upang magkaroon pa rin ng kuryente sa mga nasabing apektadong munisipyo, pinayagang magamit pansamantala ang mga makina ng planta ng DMCI sa Brgy. Tubtub, Brooke’s Point.
Subalit, nagkakaroon ng pagkakataon na hindi sapat ang suplay mula sa nasabing planta sa demand na mayroon ang mga apektadong munisipyo kaya nama’y kinailangang magpatupad ng mga load shedding.
Sa kasalukuyan ay natapos na ang nasabing gawain at naibalik na ang mga apektadong munisipyo sa normal grid operation.

- Share to Facebook