WARRIORS OF LIGHT IN ACTION: NPC-PALECO PARALLEL ACTIVITIES UPDATE
Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, ika-26 ng Setyembre, ang preventive maintenance sa 69 kV Tie Line mula NPC Irawan patungong PALECO Substation ng mga Warriors of Light mula sa National Power Corporation (NPC).
Kasabay nito, nagsasagawa rin ang mga Warriors of Light ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ng iba’t ibang upgrading activities sa distribution lines sa ilang bahagi ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Ang mga parallel activities na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng NPC at PALECO upang mapanatili ang kaligtasan, reliability, at kahandaan ng power system sa Palawan.
- Share to Facebook













