Update ukol sa mga itinakdang pagkawala ng kuryente ngayong araw, ika-14 ng
Setyembre.
1. Nang mag-total blackout kagabi (11:33 PM) ay minabuti ng Paleco at
Napocor na simulan na ang mga nakatakdang gawain ng madaling araw. Ito ay
ang mga gawain sa San Jose Circuit at Macasaet Recloser. Ang kumakalat na
video at mga larawan ng gawain sa may Barangay San Jose kaninang madaling
araw ay walang kinalaman sa total blackout bagkus ito ay pagsasakatuparan
ng nakatakdang gawain ng Kooperatiba sa nasabing lugar.
2. Naibalik ang kuryente sa lahat ng bahagi ng San Jose Circuit noong 3:07
AM samantalang 11:58 AM naman sa Macasaet Recloser (maliban sa mga lugar
kung saan nagsasagawa ng maintenance activity ang Napocor). Muli ring
nawalan ng kuryente ang kabuuan ng Macasaet Recloser ng 1:38 PM dahil sa
pagkakaroon ng problema sa planta ng DMCI ngunit muling naibalik ang
kuryente ng 1:53 PM (maliban pa rin sa mga lugar kung saan nagsasagawa ng
maintenance activity ang Napocor).
3. Samantala, nagsimula ang pag-shut off ng power sa WESCOM at Población
Circuit kaninang 7:50 AM para sa gawain ng Paleco sa may Barangay San Pedro
National Highway.
4. As of 2:50 PM, parehong tapos na ang mga gawain ng Paleco at Napocor
kaya’t sinimulan na ang pagbuo sa Palawan Main Grid. Dahil dito,
mananatiling walang kuryente ang mga naka-shut off na sirkito at i-shinut
off na rin ang ilan pang bahagi ng Lungsod ng Puerto Princesa. Inaasahang
magtatagal ang pagkawala ng kuryente hanggang 5:00 PM.