Palawan Electric Cooperative

TOTAL BLACKOUT UPDATE November 27, 2023

TOTAL BLACKOUT UPDATE
November 27, 2023
Kaninang 12:58 AM ay nagkaroon ng total blackout sa Lungsod ng Puerto
Princesa at Munisipyo ng Roxas, Taytay, Dumaran (mainland), Aborlan, Narra,
Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza ng mag trip ang main circuit
breaker ng Narra Thermal Power Plant na nagdulot din ng cascading trip ng
iba pang makina ng mga power provider ng PALECO.
Napag alaman na ang sanhi nito ay pag short circuit sa 69 kV Transmission
Line.
Upang maibalik ang power sa mga apektadong lugar, naka island mode ang
Lungsod ng Puerto Princesa. At kinailangang i-load shed ang mga sumusunod
na lugar:
Buncag Recloser at Chariot Recloser
Piltel Recloser at Manalo Recloser
Nawalan naman pansamantala ng power ang Lungsod ng Puerto Princesa oras na
simulan ang resynchronization o back to grid operation at ang paglilipat ng
supply ng Delta P Inc (DPI) sa 69 kV Grid upang iwasan ang maghapong load
shedding.
Sa kasalukuyan ay energized na ang lahat ng serkito sa Lungsod ng Puerto
Princesa at mga munisipyo.
Sakaling kayo ay wala pa ring power, agad na tumawag sa mga sumusunod na
numero:
433-2001; 09175532836; at 09088926584
Aming paumanhin sa lahat ng naapektuhan.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com