Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

TESTING AND COMMISSIONING NG 2MW POWER PLANT NG DMCI POWER CORPORATION SA BRGY. RIO TUBA, BATARAZA

Nagsagawa ngayong araw, ika-3 ng Hulyo, ng testing and commissioning ang DMCI Power Corporation (DPC) sa kanilang bagong tayong 2 MW Power Plant sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza. Nagsimula ito ng 1:00 ng hapon.
 
Personal na bumisita sa nasabing bagong tayong planta si Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng PALECO, upang saksihan at magbigay tulong sa isinagawang testing and commissioning hanggang sa pagsisimula ng commercial operation nito na pinagdiwang sa pamamagitan ng isang Switch-On Ceremony.
 
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan nila Dir. Efren B. Abejo, Chairperson ng PALECO Board of Directors (BODs), Dir. Nila G. Momo mula sa District VII na binubuo ng Munisipyo ng Brooke’s Point, Sofronio Espanola, Bataraza at Balabac, ang Area South Department Manager na si Bb. Neriza S. Regal, Technical Services Department Manager na si Engr. Rogelio B. Baylon, Jr. at iba pang mga kawani ng Kooperatiba.
 
Dumalo rin sina Hon. Ryan D. Maminta, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, Hon. Nelson D. Acob, Punong Barangay ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza at kaniyang Barangay Council, mga kawani mula sa DPC, at mga residente ng Brgy. Rio Tuba.
 
Sagot upang mapaganda ang “power quality” at “power reliability” ang pagkakaroon ng power plant sa nasabing barangay. Dagdag pa rito, mababawasan ang system loss ng Kooperatiba sapagkat hindi na kakailanganing dumaan sa mahahabang linya ng kuryente para makarating ang power sa mga Member-Consumer-Owner (MCO) ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa Munisipyo ng Bataraza.
 
Sa tuluyang pagsisimula ng commercial operation ng planta ngayong araw matapos ang testing and commissioning nito, ang Tarusan Recloser (mula Brgy. Tarusan papuntang Brgy. Rio Tuba, Bataraza) ay paiilawan na sa pamamagitan ng island mode operation. Ibig sabihin ay naihiwalay na ito mula sa Palawan Main Grid at ang suplay ng kuryente ng mga MCO dito ay magmumula na lamang sa nasabing planta.
 
Idiniin ni Engr. Contrivida na ang pagkakaroon ng planta sa Brgy. Rio Tuba ay pagtupad sa pangako ng Kooperatiba sa mga MCO mula sa mga nasabing barangay na binigay sa katatapos lamang na ika-41 Annual General Assembly Meeting noong ika-20 ng Mayo.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com