"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
TECHNICAL WORKING GROUP (TWG) UPANG SUMURI SA KASALUKUYANG ARTICLES OF COOPERATION AND BY-LAWS NG PALECO, BINUO
Sa bisa ng Board Resolution No. 99 series of 2023, binigyang otoridad ng PALECO Board of Directors (BODs) si General Manager Engr. Rez L. Contrivida na bumuo ng isang Technical Working Group (TWG) na repasuhin ang kasalukuyang Articles of Cooperation and By-Laws (ACBL) ng PALECO at magbigay suhestyon ng mga maaaring ihaing pagbabago sa General Assembly.
Ito ay kaugnay sa nalalapit na ika-41 Annual General Assembly Meeting (AGAM) ng kooperatiba na gaganapin sa May 20, 2023 na kung saan isa sa mga agenda ng pagpupulong ay ang pag amyenda ng AC/BL ng kooperatiba.
Binubuo ng mga Member-Consumer-Owner (MCO) mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ang nasabing TWG na pormal na hinirang noong ika-28 ng Abril sa bisa ng Board Resolution No. 131 series of 2023. Nakasaad din sa nasabing Board Resolution ang mga tungkulin ng mga miyembro ng TWG.
Binubuo ang nasabing TWG nina: 1.) Atty. Philip Ray L. Nangkil – mula sa Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA), Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP) at Philippine Real Estate Service Practitioners (PhilRES) na representante partikular ng iba’t ibang Consultants sa Palawan; 2.) Grace P. Estefano – na nasa sektor ng Edukasyon na representante din nito at ng mga Kababaihan, Kabataan at ng mga Advocate ng Reforms patungo sa ikakaayos ng samahan; 3.) Raul A. Grande – isang negosyante na representante ng iba’t ibang mga asosasyon maliban lamang sa mga nababanggit sa ibaba lalo na at may relasyon sa pagnenegosyo at komersiyo; 4.) Antonio N. Magbanua, Jr. – isang retired police officer na representante ng Indigenous Peoples (IPs) at mga peacekepers, retired man o nasa active duty pa; 5.) Dr. Antonio P. Cabrestante – isang kawani ng gobyerno na Real Estate Practitioner at representante ng mga empleyado sa gobyerno at ng mga nasa Construction at Development activities at mga may relasyong propesyon o hanapbuhay dito; 6.) Lolita V. Carbonell – isang retired employee na siya ring representante ng mga Senior Citizens at retired employees, nasa publiko o pribadong sektor man sila; 7.) Gudulla G. Sarsagat – isang media practitioner na naglalayong maisulong ang karapatan patungkol sa malayang pamamahayag at ng mga sektor na may relasyon dito; 8.) Atty. Regidor B. Tulali – mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na representante ng mga abogado, Muslim Communities at nasa public practice na mga propesyon na hindi teknikal; 9.) Fr. Eugene Elivera – representante ng Religious Sector, Grassroot Communities o ng Maralitang Sektor; 10.) Engr. Teofe C. Cadiz – mula sa Institute of Integrated Electrical Engineers Of The Philippines, Inc. (IIEE), isang public practitioner na representante ng mga nasa public practice na propesyong teknikal; 11.) Dr. Erlinda A. Ganapin – miyembro ng Palawan State University (PSU) Cooperative na dati ring nagsilbi sa pamunuan ng nasabing unibersidad na representante ng mga sektors na nasa Supervisory at Managerial Departments at ng lahat ng kooperatiba.
Naihalal bilang Chairperson ng nasabing TWG si Atty. Philip Ray L. Nangkil at Vice-Chairperson si Grace P. Estefano.