"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
TARBIANGAN/BAYANIHAN SA SITIO MARANAT AT SITIO CANDIZ, BGY. BACUNGAN
Pagsasagawa ng Tarabiangan/Bayanihan (massive line clearing activity) ng mga kawani ng Palawan Electric Cooperative sa Sito Maranat at Sitio Candiz, Brgy. Bacungan, Lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw, ika-13 ng Hulyo.
Nagsimula ang nasabing gawain ng 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali na sinabayan din ng pagsasagawa ng Information, Education and Communication (IEC) campaign ukol sa mga usaping pang Kooperatiba.
Ang malawakang paglilinis ng mga linya ng Paleco ay boluntaryong isinasagawa ng mga kawani nito tuwing ikalawang Sabado ng buwan upang makatulong na mabawasan ang pagkakaroon ng power interruption na dulot ng vegetation at wildlife.