"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
KASALUKUYANG NAGSASAGAWA NG KANILANG TARABIANGAN/BAYANIHAN PROGRAM ACTIVITY ANG MGA KAWANI NG PALECO MULA SA MAIN OFFICE SA CANDIS, BRGY. BACUNGAN, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
Ang pagsasagawa ng Tarabiangan/Bayanihan Program (massive line clearing) activity na ito ay alinsunod sa mandato ng Kooperatiba na makapagbigay ng maasahang serbisyo sa kanilang Member-Consumer-Owners (MCO) sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa mga linya ng kuryente mula sa mga suliraning dulot ng vegetation (mga gumagapang na halaman, sanga ng mga punong-kahoy) at buhay-ilang.
Samantala, magpapatuloy ang pagsasagawa ng nasabing gawain ng mga kawani ng PALECO tuwing ikalawa at ika-apat na Sabado ng bawat buwan na nagsimula noong buwan ng Marso.