"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
TARABIANGAN/BAYANIHAN PROGRAM (MASSIVE LINE CLEARING) ACTIVITY, KASALUKUYANG ISINASAGAWA NG MGA KAWANI NG PALECO SA BRGY. BANCAO-BANCAO, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA
Alinsunod sa mandato ng PALECO na makapagbigay ng maaasahang serbisyo sa kanilang mga Member-Consumer-Owners (MCOs) at sa layunin ng Pamunuan at mga Kawani ng Kooperatiba na mabigyang proteksyon ang mga linya ng kuryente mula sa mga suliraning dulot ng vegetation (mga gumagapang na halaman, sanga ng mga punong-kahoy) at buhay-ilang, magsasagawa ang mga ito, dalawang beses kada buwan, ng malawakang paglilinis ng linya o massive line clearing activity na binasagang Tarabiangan/Bayanihan Program sa iba’t-ibang bahagi ng franchise area ng Kooperatiba.
Mauunang isasagawa ang Tarabiangan/Bayanihan Program activity para sa buwan ng Marso sa Abueg Circumferential Road hanggang Manalo Extension ng Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City sa darating na ika-11 ng Marso mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Hinihikayat din ang mga MCO na residente sa nasabing lugar na may mga katanungan, nais i-report o nais ipaabot sa Pamunuan ng PALECO na mga usaping pang Kooperatiba na maaaring lumapit sa mga itatalagang Kawani upang sila’y alalayan.
Nakatakdang isasagawa ang Tarabiangan/Bayanihan Program activity tuwing ikalawa at ika-apat na Sabado ng bawat buwan.