"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
MGA KAWANI NG PALECO, ISINAGAWA ANG KANILANG TARABIANGAN/BAYANIHAN PROGRAM ACTIVITY SA BRGY. NAPSAN NGAYONG ARAW, IKA-23 NG HUNYO
Humigit-kumulang sampung (10) kilometrong linya ng kuryente ang nilinis ng mga kawani ng PALECO kaninang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Brgy. Napsan sa Lungsod ng Puerto Princesa kaugnay ng kanilang Tarabiangan/Bayanihan Program ngayong araw, ika-23 ng Hunyo.
Regular na isinasagawa ang Tarabiangan tuwing ikalawa at ikaapat na sabado ng bawat buwan mula noong buwan ng Marso subalit sinamantala na rin ng mga ito ang kawalan ng pasok ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 Founding Anniversary ng Civil Government ng Palawan.
Ang pagdaraos ng nasabing gawain ay alinsunod sa mandato ng Kooperatiba na makapagbigay ng maasahang serbisyo sa kanilang Member-Consumer-Owners (MCO) sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa mga linya ng kuryente mula sa mga suliraning dulot ng vegetation (mga gumagapang na halaman, sanga ng mga punong-kahoy) at buhay-ilang.