"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
SYNERGISM DISCUSSION CUM RA 11361 (ANTI-OBSTRUCTION OF POWER LINES ACT)
TINGNAN:
Kasalukuyang nagsasagawa ng Synergism Discussion Cum RA 11361 o ang Anti-Obstruction of Power Lines Act sa AKC Country Homes, Brgy. San Manuel, Puerto Princesa City.
Layunin ng RA 11361 na masigurong walang obstruction sa Power Line Corridor (PLC) o iyong espasyo sa palibot ng mga poste at linya ng kuryente upang manatiling tuloy-tuloy ang daloy nito patungo sa mga kabahayan.
Hangarin naman ng Paleco na sa pamamagitan ng gawaing ito ay maisakatuparan ang layunin ng RA 11361 upang maiwasan ang pagkawala ng power dahil sa vegetation at wildlife.