Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

SWITCH-ON CEREMONY SA SITIO TALAUDYONG, BRGY. BACUNGAN IDINAOS NGAYONG ARAW, IKA-9 NG HULYO

Pormal ng napailawan ng PALECO ang bahagi ng Sitio Talaudyong, Brgy. Bacungan sa Lungsod ng Puerto Princesa sa isinagawang switch-on ceremony dito ngayong araw, ika-9 ng Hulyo.
 
Dumalo sa nasabing gawain ang mga residente, opisyales ng nasabing barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Gualberto G. Manaeg at G. Bobby L. Castro .
 
Dumalo rin sa pagpapailaw si Mayor Lucilo R. Bayron . Sa kaniyang mensahe, binigyang diin nito na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng kuryente sa pagpapalakas ng turismo sa lugar.
Naroon din ang mga kinatawan mula sa Palawan Electric Cooperative (PALECO), na pinangunahan ni General Manager Rez L. Contrivida, kasama sina PALECO Board of Directors Chairperson Maylene D. Ballares na mula sa District I, Dir. Juancho M. Belgado mula sa Distrito III – kung saan napapabilang ang Brgy. Bacungan, Dir. Raul M. Timbancaya mula sa Distrit IV at Engr. Renato B. Briones, Jr., Area Central Operations Department Manager.
 
Ayon kay Engr. Contrivida, alam nitong matagal nang inaasam ng mga residente ng Sitio Talaudyong ang pagkakaroon ng kuryente kaya isa ito sa kanyang binigyang prayoridad kasama ng BOD ng Kooperatiba. Pnasalamatan rin nito ang pagbibigay tulong pinansyal ni G. Castro upang maipatupad ang line extension at mapailawan ang lugar.
 
Sa pagbabalik-tanaw ni Dir. Ballares, ani nito, taong 2009 pa nang simulan ang proseso ng pagpapailaw sa Sitio Talaudyong subalit ito ay naantala ng mahabang panahon.
Samantala, pinuri at pinasalamatan naman ni G. Castro ang PALECO sa mabilis na pagsasakatuparan ng proyekto.
 
Inaasahan ng pamunuan ng Kooperatiba na maraming residente ng Sitio Talaudyong ang mabilis na mag-aayos ng kani-kanilang requirements upang mapailawan ang kanilang mga kabahayan sa lalong madaling panahon.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com