"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
SWITCH-ON CEREMONY IDINAOS SA BRGY. MAGSAYSAY, DUMARAN NOONG IKA-13 NG DISYEMBRE
Pormal ng napailawan ng PALECO ang Barangay Magsaysay sa Munisipyo ng Dumaran noong ika-13 ng Disyembre taong kasalukuyan sa isinagawang Switch-On Ceremony sa Barangay Hall ng nasabing barangay. Ito ay sa naisakatuparan sa pagtutulungan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) – Area North Operations Department (ANOD) at ng Local Government Unit (LGU) ng Munisipyo ng Dumaran.
Inisyal na napailawan ang may 16 na kabahayan sa humigit kumulang 120 na potential consumer sa lugar.
Ang line extension sa Barangay Magsaysay ay may habang 8.44 km at pinondohan ng lokal ng pamahalaan ng Dumaran.
Dinaluhan ang switch on ceremony nina Punong Barangay Ramon Abrew, Mayor Richard Herrera, Congressman Edgardo “Egay” Salvame na kinatawan ng kanyang Chief of Staff na si G. Ken Palay at PALECO-Area North Operations Department Manager Engr. Renato Briones, Jr.
Samantala, lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Magsaysay na nasabing proyekto