"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
STATEMENT ABOUT MS. ALYSSA ROCAMORA POST REGARDING STATEMENT OF ACCOUNT
Magandang hapon, Ms. Alyssa Rocamora.
Nakita po namin ang post ninyong ito at nais naming humingi ng paumanhin sa abalang naidulot ng pagtanggap ninyo ng maling Statement of Account (SOA).
Ayon po sa aming Billing Division, sumobra ng isang digit ang inyong “present reading” na dapat nasa limang digit lamang tulad ng inyong “previous reading.” Naisaayos na po ito sa aming sistema at tanging Php 904.54 lamang ang inyong bayarin para sa buwan ng Hulyo. Maaari nyo po itong ma-check sa pamamagitan ng The PALECO Mobile app na maaring i-download sa Google Play Store.
Para sa mga katanungan, maaari po kayong pumunta sa aming opisina tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Maraming salamat po.