Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

SITWASYON NG SUPLAY NG KURYENTE SA MUNISIPYO NG CUYO AT MAGSAYSAY, PALAWAN

Kasalukuyang sitwasyon ng suplay ng kuryente sa Munisipyo ng Cuyo at Magsaysay, Palawan

Nito lamang nakaraang Marso ay nasira ang Unit No. 7 ng National Power Corporation (NPC) na siyang nag susuply ng kuryente sa mga munisipyo ng Cuyo at Magsaysay. Sa kasawiang palad, ito ay nagdulot ng himigit-kumulang na dalawang buwang pagpapatupad ng load shedding at rotational blackout na lubos na nakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga residente at sa mga nagninegosyo sa mga bayan na ito.

 

Subalit, kahit ito ay nakumpuni na siyang kinumpirma ng NPC, ay mayroon pa ring naitatalang kakulangan ng suplay. Ito ang nagbunsod sa pamunuan ng Palawan Electric Cooperative mula sa inisyatibo ng kasalukuyang General Manager nito na si Engr. Rez L. Contrivida, PEE na makipag-ugnayan sa NPC para sa agarang ikariresolba nito. Ang mahalagang hakbang na ito ay nagdulot ng karagdagan na generating unit sa planta ng NPC na nagmula sa People International Enterprise Company (PIEPCO).

 

Sa kasalukuyanm ang planta ng NPC sa Cuyo, Palawan ay mayroon nang total plant capacity na 3.1 MW na doble sa kialangang kapasidad ng dalawang munisipyo na 1.465 MW lamang.

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com