"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
SIMULTANEOUS LINE CLEARING AT TREE PLANTING ACTIVITY ISINAGAWA NG MGA KAWANI NG PALECO KAUGNAY SA PAGDIRIWANG NG IKA-13 NATIONAL ELECTRIFICATION AWARENESS MONTH, NGAYONG ARAW, IKA-26 NG AGOSTO
Sabay na isinagawa ng mga kawani ng PALECO ang paglilinis na linya mula Bucana sa Brgy. Iwahig, Brgy. Luzviminda hanggang Brgy. Mangingisda at tree planting activity sa Brgy. Montible ngayong araw ng Biyernes, ika-26 ng Agosto, kaugnay sa pagdiriwang ng 13th National Electrification Awareness Month (NEAM).
Humigi’t kumulang 200 seedlings ng Narra ang naitanim kasama ang mga kawani ng Bureau of Corrections ng Sub-Colony ng Brgy. Montible sa pamumuno ng kanilang supervisor na si Inspector Darwin C. Madarcos.
Binigyang diin ni Officer-in-Charge Neriza S. Regal ang kahalagahan ng mga gawaing pangkalikasan tulad ng tree planting para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Samantala, nilinis ng mga lineman at mga empleyado ng PALECO ang linya mula sa mga sanga ng mga punong kahoy, mga gumagapang na halaman at iba pa na maaring makapinsala sa mga linya ng kuryente at inayos rin nila ang ilang sira na kanilang nakita sa mga poste at linya ng kuryente na maaring magdulot ng interruption.
Maliban sa mga gawain ngayong araw, nagsagawa rin ng Elementary Symposium at Outreach Activity ang Member Services Division – Institutional Services Department ng PALECO sa Busngol Elementary School sa Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City noong ika-23 ng Agosto samantalang magsasagawa naman ng Basic Electrical Troubleshooting for Women-MCO sa darating na ika-31 ng Agosto.
Ang pagdiriwang ng National Electrification Awareness Month tuwing buwan ng Agosto ay isinasagawa ng mga electric cooperative sa buong bansa.