
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
RE-ELECTED BOARD OF DIRECTOR FOR DISTRICT II – MR. MOISES R. ARZAGA, JR
Muling naihalal bilang miyembro ng Board of Directors (BODs) ng PALECO para sa District II si G. Moises R. Arzaga, Jr.
Ang District II ay binubuo ng Barangays Mandaragat, San Miguel, San Pedro, San Manuel at San Jose ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Bagaman ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code na sa kasong iisa ang nag qualify bilang kandidato, sapat na ang isang boto upang maideklara itong panalo, nakakuha pa rin ng 45 boto si G. Arzaga.
Idinaos ang eleksyon sa PALECO Main Office mula kaninang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Nagsilbing Chairman ng District Election Committee (DECOM) si G. Leandro L. Asebuque samantalang nagsilbing Secretary naman si Bb. Lily Rose M. Tamayo at Member si Bb. Mia Lyn N. Aguila.