"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PRESS RELEASE
Aktibong nakikipag ugnayan ang pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ukol sa proseso ng aplikasyon para sa isang Transition Power Supply Agreement (TPSA) kasabay ng isinasagawang Competitive Selection Process ng National Electrification Administration (NEA) para sa 55 MW sa suplay ng kuryente sa Lungsod ng Puerto Princesa at mga munisipyo ng Aborlan, Narra, Quezon, Brooke’s Point, Sofronio Española, Bataraza, Roxas, Taytay at mainland Dumaran.
Alinsunod ito sa Advisory, noong ika-7 ng Agosto, ng Department of Energy (DOE) sa ERC, NEA at Distribution Utilities (DUs) na naapektuhan ng desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. (Alyansa Ruling).
Ayon sa Advisory, ang TPSA ay kinakailangang i-apply sa ERC. Epektibo lamang ito hanggang sa pagsisimula ng PSA ng DU na dumaan sa CSP (na alinsunod sa DOE 2023 CSP Circular) ngunit hindi maaaring humigit ng isang (1) taon.
Nilinaw din sa Advisory na ang TPSA ay hindi maaaring ituring na katulad ng isang Emergency Power Supply Agreement (EPSA).
Umaasa ang Paleco na mabilis na ma-aprubahan ang ipapasang TPSA nito sa ERC upang maibalik sa Subsidized Approved Generation Rate (SAGR) ang magiging singilin sa mga member-consumer nito.