"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
POWER SUPPLY AGREEMENT SIGNING PARA SA 15MW SUPPLY OF POWER FOR EL NIDO
Nilagdaan ang Power Supply Agreement (PSA) para sa 15 MW na suplay ng power para sa Munisipyo ng El Nido na may 15 taong contract duration, sa pagitan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) at King Energy Generation, Inc. (KEGI) noong ika-11 ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Nilagdaan ang nasabing PSA nina Dir. Maylene D. Ballares, Chairperson ng PALECO Board of Directors (BODs), Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng PALECO at nina Engr. Edelyn Jane A. Salvame, President ng KEGI, at Engr. Gilbert J. Rodriguez, Chief Operating Officer ng KEGI. Lumagda rin bilang saksi sina Dir. Ferdinand B. Garcellano, Member ng PALECO BOD mula sa District XI (kung saan napapabilang ang El Nido kasama ang San Vicente at Taytay) at Engr. Amorlito C. Macolor, Jr. na siyang Manager ng Power Trading ad Billing Department ng KEGI.
Matapos ang isinagawang Competitive Selection Process (CSP), na-issue ang Notice of Award sa KEGI noong ika-9 ng Enero samantalang natanggap naman mula sa National Electrification Administration (NEA) ang Notice to Proceed noong ika-24 ng Abril.
Ang 27 MW Power Plant ng KEGI ay kombinasyon ng Diesel/Bunker Fuel at On-grid Solar PV Technology at ito ay nakatakdang itayo sa Sitio Culantod, Brgy. Pasadeña, El Nido.
Mayroon namang 30 araw mula sa isinagawang signing ceremony ang PALECO at KEGI upang isumite sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang nilagdaang PSA upang maaprubahan at tuluyang masimulan ang pagtatayo ng nasabing power plant.
Samantala, habang sa simula ay tanging ang nasabing Munisipyo lamang ang masusuplayan ng itatayong planta, sa oras na matayuan din ng 69 kV Transmission Line ang El Nido ay maaari na rin itong ma-i-connect dito upang mag suplay sa Palawan Main Grid.