Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

ANG ATING POWER SITUTATION AT BAKIT KINAKAILANGANG MAGPATUPAD NG PAGTAAS NG SINGIL SA BAYARIN SA KURYENTE NG PALECO SA MGA SUSUNOD NA BUWAN

2014 – Sinimulan ng PALECO ang proseso ng paghahanap ng bagong power provider para sa Palawan Main Grid

March 3, 2015 – nakatanggap ng Firm Unsolicited Proposal ang PALECO para sa supply na 26.65 MW mula sa Delta P, Inc. (DPI)

June 30, 2015 – inilabas ng Department of Energy (DOE) ang DOE Department Circular No. DC2015-06-0008 – Mandating all Distribution Utilities to undergo Competitive Selection Process (CSP) in securing Power Supply Agreement (PSA)

October 20, 2015 – naglabas ng CSP Guidelines ang Energy Regulatory Commission (ERC) na nagsasabi ring ipinagpapaliban ang effectivity ng DOE Department Circular No. DC2015-06-0008 mula June 30, 2015 sa November 7, 2015

March 15, 2016 – muling ipinagpaliban ng ERC ang effectivity ng DOE Department Circular No. DC2015-06-0008 mula November 7, 2015 sa April 30, 2016

April 29, 2016 – nagsumite ng Joint Application para sa approval ng Power Supply Agreement (PSA) ang PALECO at Delta P sa ERC

December 19, 2017 – naglabas ng kautusan ang ERC na may petsang May 9, 2017 na nagbibigay ng interim relief sa s PSA ng PALECO at Delta P

May 3, 2019 – inilabas ng Korte Suprema ang kanilang desisyon sa inihaing petisyon ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. laban sa ERC (Alyansa Case – G.R. No.: 2276703) na nagsasabing walang kapangyarihan ang ERC na ipagliban ang effectivity ng DOE Department Circular No. DC2015-06-0008 at nagsasabing lahat ng PSA Applications na nai-file sa ERC mula noong ika-30 ng Hunyo taong 2015 ay kinakailangang sundin ang nasabing panuntunan mula sa DOE

September 21, 2023 – natanggap ng Pamunuan ng PALECO ang Order mula sa ERC na itigil ang pagpapatupad ng PALECO-Delta P PSA

October 21, 2023 – huling araw ng transition period para sa PALECO at Delta P na ibinigay ng ERC sa mga Distribution Utilities na naapektuhan ng desisyon ng Korte Suprema sa Alyansa Case o ang huling araw upang sundin ang pag uutos ng ERC na natanggap ng PALECO noong ika-21 ng Setyembre

Ang Delta P ay nagsu-supply ng may kabuuang 20 MW sa Main Grid (Lungsod ng Puerto Princesa, Munisipyo ng Roxa, Taytay, Dumaran (mainland), Aborlan, Narra, Brooke’s Point, Sofronio Española at Bataraza) ng Kooperatiba.

Kinakailangang sumailalim sa tinatawag na Emergency Power Supply Agreement (EPSA) ng Kooperatiba upang mapunan ang mawawalang supply at hindi magkaroon ng rotational blackout. Subalit, alinsunod sa panuntunan ng DOE ukol dito, ang isang EPSA ay maaari lamang magtagal ng isang taon at hindi kasama sa mga binibigyang subsidiya ng pamahalaan.

Samantala, tanging Delta P lamang ang nagsumite ng kanilang proposal para sa nasabing EPSA at matapos ang mga isinagawang pag uusap, nilagdaan nina Dir. Efren B. Abejo, Chairperson ng PALECO Board of Directors, Engr. Rez L. Contrivida, PEE, General Manager ng PALECO at G. Mark D. Habana, President at CEO ng Delta P, ang EPSA sa pagitan ng dalawang kumpanya nitong ika-3 ng Oktubre sa PALECO Main Office.

Alinsunod sa bagong lagdang EPSA, sisimulang ipatupad ito sa ganap na 12:00 ng hating gabi ng ika-4 ng Oktubre.

Agad namang magsasagawa ng Competitive Selection Process (CSP) ang Kooperatiba upang magkaroon ng sapat supply sa Palawan Main Grid bago matapos ang EPSA sa susunod na taon.

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com