Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

POWER FAMILY

Ang generation companies ay merong mga makina na pinapatakbo upang makapagsuplay ng kuryente. Ang tawag sa mga makinang ito ay “Generators”. Dito sa Palawan ito pinapatabo ng mga kumpanyang Delta P, DMCI Power Corporation, NAPOCOR at Palawan Power Generation Incorporated (PPGI)

Ang Transmission line naman ay ang mga matataas na istruktura na may malalaking linya ng kuryente na siyang ating inuupahan upang padaanin ang kuryenteng binili ng ating Kooperatiba na may mataas na boltahe mula sa mga generation companies. Ito naman ay pinamamahalaan ng National Power Corporation (NAPOCOR)

Ang Distribution Line naman ay pagmamay-ari ng PALECO, dito dumadaan ang kuryenteng pinamamahagi sa mga Member-Consumer-Owners (MCOs) nito. Ang PALECO rin ang nagsisilbing taga-singil upang makapagbayad tayo ng ating obligasyon sa Generation Companies, NAPOCOR, BIR at PSALM.

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com