Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

POSTING NG NOTICE OF ELECTION AT INITIAL MASTER LIST OF VOTERS PARA SA DISTRICT X

Kaugnay sa muling itinakdang eleksyon para sa Board of Directors ng PALECO sa District X (Munisipyo ng Roxas, Dumaran, Araceli at Cagayancillo) sa ika-14 ng Enero taong 2023, nagtungo ang mga kawani ng PALECO sa mga barangay na sakop ng nasabing distrito upang ipaskil ang Notice of Election at Initial Master list of Voters noong ika-19 hanggang ika-21 ng Disyembre.
Makikita sa Notice of Election ang mga kwalipikasyon at importanteng mga petsa na dapat tandaan ng mga interesadong tumakbo bilang miyembro ng PALECO Board of Directors.
Samantala, makikita naman sa Initial Master List of voters ang mga maaaring bumoto sa nasabing District Election.
 
Ang inclusion at exclusion period ng mga nais bumoto sa darating na ika-14 ng Enero sa susunod na taon ay mula ika-25 ng Disyembre hanggang ika-4 ng Enero.
 
Kung kayo po ay miyembro sa District X at wala ang inyong pangalan agad pong magtungo sa opisina ng PALECO sa Roxas o tumawag sa 0966 638 5891.
 
Makikita rin ang Initial Masterlist sa PALECO Roxas Satellite Office, sa kani-kaniyang Munisipyo, sa official website ng PALECO sa www.paleco.net, sa official Facebook page ng Roxas Satellite Office at PALECO main na https://www.facebook.com/palawanelectriccoop
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com