Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PORTABLE PV HOME SYSTEM NA IPINAGKALOOB NG DEPARTMENT OF ENERGY SA PROBINSIYA NG PALAWAN, NAIPAMAHAGI NA

Naipamahagi na ng PALECO ang ipinagkaloob na Portable PV Solar Home System mula sa Department of Energy (DOE) sa mga benipisyaryo nito sa lungsod at sa lalawigan ng Palawan. Ito ay sinimulang ipamahagi noong ika 8 ng Hunyo at natapos nito ika 10 ng Agosto taong kasalukuyan.
 
Kasama sa mga napagkakalooban ay ang mga benepisyaryo mula sa mga sumusunod na lugar na sakop ng prangkisa ng PALECO na hindi pa naaabot ng linya ;
 
Bgy. New Panggangan, Puerto Princesa City, 105
Bgy. Marufinas, Puerto Princesa City 130
Bgy. Caramay, Roxas , 30
Bgy. Magara, Roxas; 29 (1 unclaimed)
Bgy. Caruray , San Vicente, 30
Bgy. Barong-Barong, Brooke’s Point , 30
Bgy. Maasin, Brooke’s Point, 30
Bgy. Mainit, Brooke’s Point, 30
Bgy. Imulnod, Brooke’s Point, 30
Bgy. Amas, Brooke’s Point, 30
Bgy. Saraza, Brooke’s Point, 30 (6 unclaimed)
Bgy. Salogon, Brooke’s Point, 30
Bgy. Samareñana, Brooke’s Point, 30
 
Sakabuuang bilang na 565 Portable PV Home Solar System na ipinadala ng DOE, pito (7) ang hindi pa nakuha ng mga benipesyaryo partikular isa (1) Bgy. Magara, Roxas at anim (6) sa Bgy. Saraza, Brooke’s Point. Muling babalikan ang dalawang nasabing lugar upang ihatid ito.
Nagsagawa rin ng briefing o maiksing seminar ang mga empleyado ng PALECO mula sa Special Project section ng Member Services Division – Institutional Services Department para sa tamang pag-install ng materyales sa kaniya-kaniyang tahanan at tamang pangangalaga nito para tumagal.
 
Ang programang ito ng DOE ay sa ilalim ng “Policy Guidelines for the Provision of Portable PV Solar Home System as Interim Solution for the Immediate and Effective Energization of Unserved Households under Locally Funded Project – Total Electrification Program” . Ito ay ayon sa adhikain ng Pamahalaang Nasyonal na mapailawan ang mga malalayong lugar na hindi pa abot ng linya ng mga electric cooperatives upang maiangat ang pamumuhay ng mga residente .
 
Samantala, lubos ang pasasalamat na ipinaabot ng mga benipisyaryo sa programang ito ng DOE katuwang PALECO.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com