Palawan Electric Cooperative

PHILRECA Highlights Cooperative Ownership at Palawan Electric Cooperative 44th AGMA

ICYMI: “Hindi Lang Consumer, Kundi May-Ari”
PHILRECA Highlights Cooperative Ownership at Palawan Electric Cooperative 44th AGMA
 
Sa mensaheng ipinaabot ng PHILRECA sa ginanap na 44th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) noong Mayo 16, 2026 sa Edward S. Hagedorn Coliseum, binigyang-diin ni Executive Director at General Manager Atty. Janeene Depay-Colingan ang mahalagang papel ng consumer-members bilang tunay na may-ari ng kanilang electric cooperative.
“Sa ibang kumpanya, ‘customer’ lang ang tingin sa tao. Pero dito sa kooperatiba, hindi lang kayo consumer — kayo ay may-ari,” pahayag ni Atty. Janeene.
 
Aniya, hindi lamang tumatanggap ng serbisyo ang mga miyembro ng kooperatiba kundi sila rin mismo ang dahilan kung bakit patuloy na naibibigay ang serbisyo ng pagpapailaw sa mga komunidad.
 
Ipinakita ng okasyon ang pagkakaisa ng electric cooperative sector sa pagsusulong ng maayos, maaasahan, at abot-kayang serbisyo ng kuryente para sa lahat ng member-consumer-owners sa probinsya ng Palawan.
 

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com