Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PANALANGIN PARA SA NORDECO AT ELECTRIC COOPERATIVES NG PILIPINAS

Mahal na Diyos, Ikaw ang tanglaw ng kapayapaan, kami ay lumalapit sa Iyo upang humingi ng gabay at tulong sa mga mga hamon na kinakaharap ngayon ng electric cooperatives ng Pilipinas.

Bagamat ang aming puso at isip ay puno ng pag-aalala, lubos ang aming tiwala sa Iyong kapangyarihan at awa sapagkat alam naming patuloy na dumadaloy ang Iyong pag-ibig sa aming mabuting hangarin.

𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗶 𝗽𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗮𝘆 𝗠𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗗𝗮𝘃𝗮𝗼 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲, 𝗜𝗻𝗰. 𝗼 𝗡𝗢𝗥𝗗𝗘𝗖𝗢; 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗽𝗼 𝗡𝗶𝗻𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗮𝘁 𝗲𝗺𝗽𝗹𝗲𝘆𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗽𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝗯𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮.

𝐃𝐢𝐧𝐠𝐠𝐢𝐧 𝐌𝐨, 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐫𝐩𝐨𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐎𝐑𝐃𝐄𝐂𝐎 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐞𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐜𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬.

Panginoon, maghari nawa ang Iyong liwanag. Gabayan Mo ang aming mga lider upang magkaroon ng kaliwanagan ang kanilang isip na makapagpasya nang nakabubuti para sa lahat ng member-consumer-owners.

Itinataas po namin ang lahat ng aming ginagawa upang mapabuti ang pamumuhay ng mga MCOs, at nawa po ay patuloy Ninyo kaming patatagin upang magawa namin ang aming tungkulin patungo sa iisang adbokasiya.
Hinihiling namin ito sa matamis na pangalan ni Hesus, aming lakas, proteksyon at liwanag.

Amen.

#ECsKeepTheLightsOn: FightforNORDECO
#HandsOffOurECs!
#NoToPrivateForProfitTakeover
#BackOffDavaoLightAndPowerCompany
#UnitedWeStandWeStandUnitedforNORDECO!
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com