Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PAMAMAHAGI NG PATRONAGE REFUND SA MGA MIYEMBRO NG PALECO

Ipamamahagi na ang patronage refund sa mga miyembro ng PALECO para sa mga taong 2006 hanggang 2017 sa pamamagitan ng pagbawas ng buong halagang nito sa buwanang bayarin sa buwan ng Disyembre ng nagdaang taon. Makikita ito sa matatanggap na Statement of Account (SOA) ngayong buwan ng Enero.

Ito ay alinsunod General Resolution No. 02 Series of 2019 o ang resolusyong napagkasunduan noong Annual General Membership Meeting noong taong 2019 na nagsasabing binibigyang pahintulot ng nga myembro ng Kooperatiba na ibawas sa kanilang buwanang bayarin ang kanilang makukuhang patronage refund at dividend.

Sisimulan ang pamamahagi nito sa mga miyembro ng Kooperatiba na may koneksyon sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang patronage refund o balik-tangkilik ay isa sa mga benepisyong nakukuha ng isang miyembro ng PALECO bilang patuloy na pagtangkilik sa serbisyong ibinibigay ng Kooperatiba.

Para makita ang breakdown o halaga ng makukuhang patronage refund kada taon, pumunta sa ating official website sa www.paleco.net at i-click ang PALECO ONLINE. Piliin sa dropdown ang PATRONAGE REFUND at ilagay ang iyong buong account code na makikita rin sa iyong SOA.


Maaari ring i-click ang link na ito: https://paleco.net/paleco/patronage-refund/


Maaaring humingi ng Official Receipt para dito sa mga teller sa Opisina ng PALECO.


Makukuha naman ng mga Kamay-ari ng Kooperatiba na may koneksyon sa mga munisipyo na sakop ng PALECO ang kanilang patronage refund sa susunod na buwan. Ang mga ito nama’y ibabawas sa bayarin para sa buwan ng Enero at makikita sa SOA na kanilang matatanggap sa Pebrero.


Samantala, isang benepisyong dapat makuha ng isang myembro ng PALECO ay ang interes sa kanilang inilagak na saping-puhunan (shared capital) o iyong dibidendo.


Sa isinagawang inspection ng Cooperative Development Authority (CDA) sa PALECO noong ika-21 ng Nobyembre, kanilang ihinain ang pagkakaroon ng capital build-up program ng Kooperatiba. Isa sa paraan ng upang maisakatuparan ito ay ang pag dagdag ng dibidendo sa inilagak na saping-puhunan.


Ihahain ang nasabing programa sa darating na Annual General Assembly Meeting sa darating na buwan ng Mayo upang madesisyunang muli ng mga Kamay-ari ng Kooperatiba.


Para sa mga karagdagang detalye, manatiling nakaantabay sa official Facebook page ng PALECO at sa official website nito

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com