"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PAMAMAHAGI NG PALECO NG MGA LEARNER'S KIT SA MGA MAG AARAL NG SOFRONIO ESPANOLA CENTRAL SCHOOL KAHAPON, IKA-18 NG AGOSTO, BILANG PAGDIRIWANG NG 14TH NATIONAL ELECTRIFICATION AWARENESS MONTH
Dalawang daang (200) mag aaral ng Sofronio Espanola Central School ang nabigyan ng learner’s kit ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) kahapon, ika-18 ng Agosto, bilang bahagi ng pagdirirwang ng ika-14 na National Electrification Awareness Month.
Nagsagawa rin ang mga kawani ng Kooperatiba mula sa Member Services Division ng Institutional Services Department (MSD-ISD) ng isang symposium na dinaluhan ng mga estudyante, kanilang mga magulang at mga guro ng nasabing paaralan kung saan tinalakay kung paano nagkakaroon at nakararating ang kuryente sa mga kabahayan sa loob ng franchise area ng Kooperatiba at ang mga dahilan ng pagkawala ng kuryente.
Liban pa rito, binahagi rin sa nasabing symposium ang mga programa ng PALECO tulad ng Lifeline Rate Discount para sa mga qualified marginalized end-users (QMEs), Senior Citizen’s Discount at iba pang mga usaping pang Kooperatiba.
Binigyan ng pagkakataong magtanong ang mga dumalo at nagkaroon din ng pamamahagi ng premyo para naman sa mga mag aaral na nakasagot sa mga tanong na ibinigay sa kanila.
Nagpapasalamat naman ang Pamunuan ng PALECO sa Department of Education (DepEd) – Schools Division Office (SDO) ng Palawan sa pamumuno ni Gng. Elsie T. Barios sa pamamagitan ni Bb. Grace Estefano sa pagtulong na maisakatuparan ang nasabing gawain.
Ipinaabot din ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro ng Sofronio Espanola Central School ang kanilang pasasalamat sa tulong na ipinaabot ng Kooperatiba.