Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PAMAMAHAGI NG 100 LEARNER'S KIT SA MGA MAG AARAL NG BGY. SICSICAN

Namahagi ng 100 learner’s kit ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa mga piling mag aaral ng Brgy. Sicsican noong ika-1 ng Setyembre.

Dumalo sa nasabing gawain si G. Raul Timbancaya, Board of Directors (BODs) mula sa District IV (Southern Barangays of Puerto Princesa City) na siyang kinabibilangang distrito ng nasabing barangay, kasama si G. Romeo Guinto, Chairperson ng District Electrification Committee ng nasabing distrito.

Liban sa pamamahagi ng learner’s kit, nagkaroon din ng maikling talakayan ukol sa mga usaping pang Kooperatiba tulad ng mga dahilan ng blackout, power family at mga programa ng PALECO tulad ng libreng medical consultation. Nabigyan din ng pagkakataong makapag tanong ang mga magulang na dumalo dito.

Ang nasabing gawain ay kabilang sa mga isinasagawang programa ng PALECO bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility nito.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga mag aaral at mga magulang na dumalo maging ang opisyal at kawani ng Brgy. Sicsican na naging katuwang ng PALECO sa pagsagawa ng nasibing aktibidades.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com