PALECO WARRIORS OF LIGHT IN ACTION:
Palecoβs 1st Linemen Rodeo Competition
Isinagawa ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) kahapon, ika-18 ng Marso, ang kauna-unahang Linemen Rodeo Competition sa main office nito sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Β
Kabilang sa mga grupo na sumali ay ang mga lineworker mula sa Area Central Operations Department (ACOD), Area South Operations Department (ASOD), Area North Operations Department (ANOD) at Technical Services Department (TSD) ng Paleco.
Β
Sumali rin sa nasabing kompetisyon ang grupo ng lineworkers na lumahok sa ginanap na 1st Region IV-B Inter-EC Linemen Rodeo Competition sa Oriental Mindoro noong ika-30 hanggang ika-31 ng Enero.
Β
Ang mga kategoryang kanilang pinaglabanan ay ang mga sumusunod:






Β
Liban sa pagbibigay daan na makapagpakitang gilas ang mga lumahok sa nasabing patimpalak (kung saan ang mga nakitaan ng potensyal ay higit na sasanayin upang maging kinatawan ng Paleco sa mga gaganaping regional at national rodeo competition), naging daan din ito upang makapag palitan ng kani-kanilang best practices ang mga lineworker na nagmula pa sa ibaβt-ibang lugar na sakop ng franchise area ng Paleco.
Β
Binigyang diin naman ni Engr. Rez L. Contrivida, general manager ng Paleco, ang pag-iingat ng mga lineworker hindi lamang para sa kompetisyon ngunit maging sa araw-araw na pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin.
Β
Samantala, ang resulta ng isinagawang Linemen Rodeo Competition ay igagawad sa darating sa ika-5 ng Abril kasabay ng isasagawang culminating activity ng Paleco Sports Festival 2025.

- Share to Facebook