Palawan Electric Cooperative

PALECO WARRIORS OF LIGHT IN ACTION
Muling pinagtibay ng Pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang kahalagahan ng kaligtasan sa hanay ng mga line workers nito.

Upang matiyak na ligtas, maayos, at naaayon sa pamantayan ang pagsasagawa ng kanilang tungkulin, nagsagawa ang Kooperatiba ng Electric Power Distribution Line Construction (EPDLC) Refresher Training Course mula ika-13 ng Abril hanggang ika-15 ng Mayo. Dumaan sa pagsasanay ang kabuuang 163 line workers ng PALECO na hinati sa limang (5) batch.
 
Pinangunahan ang nasabing refresher course ni Engr. Diosdado Flores III ng Davao del Sur Electric Cooperative, Inc. (DASURECO), na nagsilbing trainer at nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at tamang pamamaraan sa line construction, electrical safety at iba pa.
 
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng PALECO ang kultura ng kaligtasan at kahandaan upang masiguro ang maayos at ligtas na serbisyo ng kuryente para sa mga member-consumer-owners (MCOs) nito.
 
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com