PALECO WARRIORS OF LIGHT IN ACTION
Isang taos-pusong pasasalamat sa mga bayaning dagitab ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ang nais ipaabot ng pamunuan ng Kooperatiba sa kanilang pagtulong upang maisaayos ang mga linya at poste ng kuryente sa mga munisipyo sa hilagang bahagi ng Palawan, particular na sa munisipyo ng El Nido at Roxas, na napinsala dulot ng #BagyongTino.
Kabilang sa nasabing binuong Task Force ang tatlong (3) lineman mula sa PALECO Narra Satellite Office, isa (1) mula sa PALECO Quezon Satellite Office, isa (1) mula sa PALECO Aborlan Satellite Office, apat (4) mula sa PALECO Brooke’s Point Satellite Office at tatlo (3) mula sa PALECO Main Office.
Ang kanilang ipinammalas na dedikasyon ay patunay na kakayaning harapin anumang pagsubok ang dumaan hangga’t ang lahat ay nagtutulungan na siyang diwa ng kooperatiba.
Nagpapasalamat din ang pamunuan ng PALECO sa sakripisyo ng kanilang pamilya sa mga panahong malayo ang mga ito sa kanila.
- Share to Facebook