Palawan Electric Cooperative

PALECO WARRIORS OF LIGHT IN ACTION Alam n’yo ba na isa sa mga epektibong paraan ng Paleco para maiwasan ang biglaang blackout na dulot ng vegetation at wildlife ay ang pagbuo sa Operation Baklas Baging Team

Ang grupong ito, na binubuo ng masisipag na lineworkers ng Kooperatiba, ay walang sawang nag-iikot sa buong Lungsod ng Puerto Princesa upang magsagawa ng paglilinis ng poste at linya ng kuryente, Lunes hanggang Linggo, umaga man o gabi, ulan man o araw.
 
Dahil sa kanilang dedikasyon, bumaba na ang bilang ng blackout dahil sa pagkakaroon ng fault sa distribution lines ng Paleco dulot ng mga baging, puno, at hayop na umaakyat sa ating mga linya at poste.
 
Narito ang ilang kuha mula sa kanilang operasyon nitong mga nagdaang araw sa Barangay Sta. Monica, Liwanag, San Manuel, Mangingisda, at iba pang lugar.
 
Isang malaking pasasalamat sa ating mga Paleco Warriors of Light na walang sawang nagsisilbi para sa mas ligtas at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa ating mga kababayan!

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com