Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO NAKIISA SA PAGSASAGAWA NG BRIGADA ESKWELA 2023 NG SCHOOLS DIVISION OFFICE NG LUNGSOD PUERTO PRINCESA KAHAPON, IKA-14 NG AGOSTO, BILANG ISA SA MGA GAWAIN KAUGNAY NG IKA-14 NA TAON NG NATIONAL ELECTRIFICATION AWARENESS MONTH (NEAM)

Nakiisa ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa pagsasagawa ng Brigadang Eskwela 2023 ng Schools Division Office (SDO) ng Lungsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng pagdalo sa kickoff program nito na ginanap sa F. Ubay Memorial Elementary School kahapon, ika-14 ng Agosto.
 
Dala ng mga kawani ng Kooperatiba ang handog nitong 25 galon ng pintura at iba pang painting materials para sa mga paaralan sa Lungsod.
 
Sa Mensahe ni Vicky Monette Basilio, Member Servies Division Chief mula sa Institutional Services Department ng Kooperatiba at bilang representante ng General Manager ng PALECO na si Engr. Rez L. Contrivida, sinabi nito na makakaasa ang SDO ng Lungsod ng Puerto Princesa sa suporta ng Kooperatiba sa kanilang mga gawain dahil kaisa ang pamunuan ng PALECO sa layunin ng SDO na makapagbigay ng ligtas at kalidad na edukasyon sa mga kabataan sa nasasakupan nito.
 
Binigyan naman ng SDO Puerto Princesa ang Kooperatiba ng Certficate of Commendation bilang pasasalamat.
 
Samantala, isa lamang ang nabanggit na gawain sa mga nakapilang aktibidades ng Kooperatiba para sa pagdiriwang ng ika-14 ng taon ng National Electrification Awareness Month na may temang “Total Electrification by 2028.” Magsasagawa rin ng gift-giving at elementary symposium ang Kooperatiba sa Malcampo Elementary School bukas, ika-16 ng Agosto, at sa Sofronio Espanola Memorial Elementary School sa darating na araw ng Biyerness, ika-18 ng Agosto.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com