"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PALECO NAKIISA SA KICKOFF MOTORCADE AT OPENING PROGRAM NG 2023 COOPERATIVE MONTH
Idinaos sa Francisco Ponce De Leon Gymnasium sa PALECO Main Office ang opening program ng 2023 Cooperative Month matapos ang ginawang kickoff motorcade na nagsimula naman sa Puerto Princesa City Baywalk na dinaluhan ng iba’t-ibang kooperatiba mula sa Lungsod kahapon, ika-1 ng Oktubre.
Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe ng pagkakaisa si Bb. Marian A. Concepcion, Acting Senior CDS at Program Manager ng Cooperative Development Authrity (CDA) – Palawan. Samantalang dumalo rin sa nasabing gawain sina Hon. Herbert S. Dilig, City Councilor at Chairman ng Committee on People’s Organization and NGO Affairs, Hon. Nesario G. Awat, City Councilor at Chairman ng Committee on Cooperatives and Livelihood at maging si Hon. Maria Nancy M. Socrates, Vice Mayor ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Ipinaabot naman ni Dr. Romeo A. Valdez, Chairman ng City Cooperative Development Council, ang pasasalamat sa PALECO sa pakiisa nito sa nasabing gawain.
Samantala, narito ang mga gawain ng Kooperatiba kaugnay ng pagdiriwang ng 2023 Cooperative Month:
Participation to Tree Planting Activity of CCDC
Oras ng PALECO Radio Contest
Gift-giving to Senior Citizens
Gift-giving to Indigenous Peoples
Livelihood Training Programs
Barangay Informational Meeting
College Symposium
1st PALECO Open Chess Tournament
MCO Day