
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PALECO DISTRICT XI ELECTION - OFFICIAL LONE CANDIDATE

Kamay-ari!
Sa March 11 na ang eleksyon para sa Board of Directors ng District XI na binubuo ng mga Munisipyo ng Taytay, San Vicente at El Nido.
Mayroon lamang isang qualified candidate sa katauhan ni G. Ferdinand B. Garcellano.
Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.
Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District XI na bumoto.
Gaganapin ang eleksyon sa isang presinto lamang at ito ay sa Barangay Hall ng Brgy. Villa Libertad, El Nido mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.
Magkita-kita po tayo sa March 11!