Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO DISTRICT X ELECTION - OFFICIAL LONE CANDIDATE

Kamay-ari!

Sa July 1 na ang eleksyon para sa Board of Directors ng District X na binubuo ng Munisipyo ng Roxas, Dumaran, Araceli at Cagayancillo.

Mayroon lamang isang qualified candidate sa katauhan ni Ms. Cherry Ann D. Acosta.

Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.

Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District X na bumoto.

Gaganapin ang eleksyon sa isang presinto lamang at ito ay sa PALECO Roxas office mula 8:30 AM hanggang 12:00 NN.

Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.
Magkita-kita po tayo sa July 1.
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com