
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PALECO DISTRICT I ELECTION - OFFICIAL LONE CANDIDATE

P A B A T I D
District I (Poblacion Barangays of Puerto Princesa)
Nakatakdang halalan – January 21, 2023
Ipinapabatid ng pamunuan ng PALECO na ang desisyon ng National Electrification Administration (NEA) sa naging apela ng lone candidate mula sa District I (PPC Poblacion Barangays) na si Bb. Maylene D. Ballares ay QUALIFIED ito para tumakbong miyembro ng PALECO Board of Directors (BODs) sa nasabing distrito.
Alinsunod sa nasabing desisyon ng NEA, ang nakatakdang halalan sa ika-21 ng Enero ay itutuloy at gaganapin sa Barangay Hall ng Barangay Kalipay mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.
Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District I na bumoto.
Ang District I ay binubuo ng Poblacion Barangays ng Lungsod ng Puerto Princesa (Barangay Bagong Pag-asa, Bagong Sikat, Bagong Silang, Kalipay, Liwanag, Mabuhay, Magkakaibigan, Maligaya, Manggahan, Maningning, Masigla, Masikap, Masipag, Matahimik, Matiyaga, Maunlad, Milagrosa, Model, Pagkakaisa, Princesa, Seaside, Tagumpay, Tangalaw at Bancao-bancao).
Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.
Magkita-kita po tayo sa January 21!