Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PATRONAGE REFUND

Kamay-ari!
 
Kung ikaw ay may koneksyon ng kuryente sa Lungsod ng Puerto Princesa, iyo nang matatanggap ang iyong patronage refund para sa mga taong 2007 hanggang 2017!
Kung ang iyong Statement of Account (SOA) ay naibigay mula noong January 13, ito ay naibabawas sa iyong buwanang bayarin para sa buwan ng Disyembre na makikita sa inyong SOA para sa buwan ng Enero. Sa mga Kamay-ari na maaga sa January 13 ang delivery ng SOA, ibabawas ito sa inyong buwanang bayarin para sa buwan ng Enero at makikita sa SOA ng Pebrero.
 
Ang patronage refund o balik-tangkilik ay isa sa mga benepisyong nakukuha ng isang miyembro ng PALECO bilang patuloy na pagtangkilik sa serbisyong ibinibigay ng Kooperatiba.
Para makita ang breakdown ng makukuhang patronage refund kada taon, pumunta sa ating official website sa www.paleco.net at i-click ang PALECO ONLINE. Piliin sa dropdown ang PATRONAGE REFUND at ilagay ang iyong account code na makikita sa inyong SOA.
Kung nais mong kumuha ng Official Receipt para dito, magtungo lamang sa Opisina ng PALECO.
 
Makukuha naman ng mga miyembro na may koneksyon sa mga munisipyo ang kanilang patronage refund sa mga susunod na buwan.
 
Para sa mga karagdagang detalye, manatiling nakaantabay sa official Facebook page ng PALECO at sa official website nito
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com