"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PALECO BROOKES POINT SATELLITE OFFICE - ATING ALAMIN!
Ang Pamunuan ng PALECO sa pangunguna ng ating OIC-General Manager Neriza S. Regal, at sa tulong ni TSD Manager Rogelio Baylon at Area Manager for South Napoleon M. Cortes Jr. ay bumuo ng PALECO TASK FORCE na aalalay sa bahaging Sur ng Palawan. Ang nasabing grupo ay binubuo ng 18 linemen at 7 office personnel mula PALECO Main Office, Puerto Princesa City.
Sa darating na Lunes, July 11, hanggang July 29, 2022, ang Task Force ay magsasagawa ng malawakang paglilinis ng linya, distribution line assessment, simula Sofronio Espanola, Brooke’s Point hanggang Riotuba, Bataraza. Ito ay bahagi ng ating preventive maintenance activity at pagnanais ng ating Kooperatiba na maibsan ang mga hindi inaasahang pagkawala ng daloy ng kuryente dulot ng mga sumampay na puno ng kawayan, mga sanga ng punongkahoy o palapa ng niyog sa ating linya, at iba pang vegetation disturbances.
Maliban dito, ang nasabing grupo ay tutulong sa pinansyal na aspeto ng nasabing distrito, gaya ng delivery of power bills and notice of disconnection, at service disconnection sa mga kunsumidores na may overdue accounts.
Sa pamamagitan ng ating Task Force maaasahan natin na masasaayos natin ang anumang mga isyu at alalahanin ng ating mga miyembro-konsumidores at nang makamit ang maayos na serbisyo.
Humihingi nang maaga ang ating Pamunuan ng inyong pang-unawa at paumanhin sa maaaring maapektuhan ng scheduled power interruptions sa susunod na mga araw para mabigyang-daan ang nasabing aktibidades.
Maraming salamat sa patuloy nyong pagsuporta sa ating Kooperatiba.