
"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PALECO BOARD OF DIRECTORS ELECTION - DISTRICT III



Kamay-ari!
Gusto mo ba maging kinatawan ng PALECO sa District III na binubuo ng Northern Barangays ng Lungsod ng Puerto Princesa (Barangays Tagburos, Sta. Lourdes, Bacungan, Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Buenavista, Manalo, Maruyogon, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan and Langogan)?
Magkakaroon ng District Election sa January 28 para sa mga nais maging Board of Director. Ang huling araw ng pag file ng Certificate of Candidacy (COC) ay sa January 18.
Ano pang hinihintay mo? I-check ang qualifications at disqualifications. Maaaring ma-download ang Certificate of Candidacy at Checklist of Requirements sa www.paleco.net.
Para malaman kung saang presinto kayo nabibilang, punta na sa inyong mga Barangay Hall, sa City Hall o opisina ng PALECO at hanapin ang inyong pangalan sa listahang nakapaskil.
Maaari ring makita ang nasabing listahan sa pamamagitan ng link na ito:
Ang inclusion at exclusion period ng listahan ng mga botante ay mula January 3 hanggang January 18.
Magkita-kita po tayo sa January 28!