Palawan Electric Cooperative

PALECO at PSPI, Matagumpay na Nagsagawa ng Joint Testing and Commissioning sa Port Barton

“Our technical preparation is 100% complete! Handang-handa na ang PALECO para humalili sa PSPI sa pagsuplay ng kuryente sa Port Barton,” ani ni Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), matapos ang kaniyang muling pagbisita sa Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan ngayong araw, ika-29 ng Mayo, kung saan naging positibo ang resulta ng isinagawang joint testing and commissioning ng PALECO at PowerSource Philippines, Inc. (PSPI).
 
Mariing tinutukan ni Engr. Contrivida ang isinagawang testing and commissioning sa linya ng PALECO at PSPI upang matiyak ang maayos at ligtas na paglipat ng suplay ng kuryente.
 
“Hindi lamang natin binuhay ang linya ng PALECO, kundi maging ang linya ng PSPI patungo sa kanilang mga consumer upang masiguro na walang magiging problema sa sistema sa oras na PALECO na ang magsu-supply ng kuryente sa mga residente ng Barangay Port Barton,” dagdag niya.
 
Kasama ni Engr. Contrivida ang mga kawani ng Kooperatiba mula sa Technical Services Department (TSD) at Area North Operations Department (ANOD) upang tiyaking kakayanin ng sistema ang pagkonekta ng Barangay Port Barton sa Palawan Main Grid. Layunin nitong mabigyan ng sapat at maaasahang suplay ng kuryente mula sa mga independent power provider ng PALECO sa mga oras na naka-shut off ang planta ng PSPI.
 
Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang pagsusuri ng pamunuan ng PSPI sa Memorandum of Agreement (MOA). Kapag ito ay nalagdaan, pormal nang maaring magsilbing back up ang PALECO sa PSPI sa pagsu-suplay ng kuryente sa oras na mapagkasunduan ng dalawang panig.
 
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com