Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PALECO 40th Annual General Assembly Meeting

Isang pasasalamat mula sa pamunuan ng PALECO ang ipinaabot sa lahat ng nagparegister at dumalo sa pamamagitan ng personal at online (Facebook Live) sa ginanap na 40th Annual General Assembly Meeting ng PALECO noong Sabado, July 23 sa Municipal Covered Court ng Narra.

 
Bagamat hindi naabot ang kinakailangang Quorum at hindi nagkaroon ng Business Meeting, pinakinggan ng mga Board of Directors at Management ang mga ipinaabot na hinaing at suhestiyon ng mga miyembrong dumalo.


Muli pong maglalabas ng pa anunsyo at imbitasyon ang inyong kooperatiba kung kelan at saan gaganapin ang Special General Assembly Meeting ngayong taon.
Muli, maraming salamat po.

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com