"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"
PAGSASANAY SA SMOKE FISH PROCESSING ISINASAGAWA SA DISTRICT IV
Nagsasagawa ng dalawang araw na pagsasanay sa Smoke Fish Processing ang PALECO katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority ( TESDA) sa mga Member-Consumer-Owners (MCO’s) sa District IV na binubuo ng mga mga Barangay sa norte mula Barangay Tiniguiban hanggang bagong Bayan, Luzviminda at Mangingisda.
Ang nasabing pagsasanay ay isinasagawa sa Barangay Hall ng Barangay Mangingisda simula kahapon May 29 at magtatapos ngayong araw May 30. Ito ay dinadaluhan ng mga 25 partisipante mula sa nasasakupan ng District IV.
Layon ng gawain na mabigyan ng kaalaman at oportunidad ang mga dumalo upang maiangat ang kanilang pamumuhay.
Ang livelihood program ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni District IV BOD Raul M. Timbancaya at ng bumubuo ng Multi Sectoral Electrification Advisory Council (MSEAC) ng nasabing distrito. Samantala, nagsilbing tagapagsanay si Ms. Crigela C. Puyawan, Community Base Trainer ng TESDA.
Magpapatuloy ang pagsasakatuparan ng ibat ibang livelihood program sa lahat ng distrito ng PALECO sa mga susunod na buwan.