Palawan Electric Cooperative

PABATID SA MGA KAMAY-ARI | Tarabiangan and Electrikalye 2025 (February)

Sa layuning mailapit ang serbisyong ibinibigay ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa mga member-consumer-owner nito, isasagawa ang ikalawang Electrikalye sa Terence Homeowners’ Association, Inc. Multi-Purpose Hall, Purok Ranchero, Brgy. Sta. Lourdes bukas, ika-8 ng Pebrero, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
 
Magkakaroon ng mga sumusunod para sa nasabing gawain:
1. Pre-Membership Education Seminar (1st batch – 8:00 AM; 2nd batch – 10:00 AM)
2. Application for New Electric Service Connection
3. Membership Sanitation
4. Mobile Collection
5. Information/Complaints/Billing Inquiry Desk
6. kWh Meter Exhibit
7. kWh Meter Testing
8. IT Innovation Booth
 
Iikot din ang mga babaeng kawani ng Kooperatiba upang magsagawa ng IEC campaign at mamahagi ng mga flyer, kalendaryo at iba pa.
 
Kasabay nito, magsasagawa naman ng Tarabiangan o malawakang paglilinis ng mga linya ang mga lalakeng kawani ng Paleco mula Dimalanta Road patungong Rampano Road kaya pansamantalang mawawalang ng kuryente sa mga nasabing lugar.
Magkita-kita po tayo bukas, Kamay-ari!

RECENT POST

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com