PABATID SA MGA KAMAY-ARI
Kung ikaw ay naging miyembro ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) sa Lungsod ng Puerto Princesa simula ng taong 2017 hanggang 2022 ay maaari mo ng makuha ang iyong Membership Certificate at Share Capital Certificate simula Lunes, ika-3 ng Marso, sa ating main office.
Paalala na magdala ng isang (1) valid ID at tanging ang miyembro lamang ang maaaring kumuha ng mga nasabing dokumento.
Sakaling hindi pu-pwede ang miyembro, maaari itong magpadala ng authorization letter sa kaniyang pakikisuyuan kasama ang photocopy ng kaniyang valid ID.
Pumunta lamang sa Area Central Operations Department simula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

- Share to Facebook