PABATID SA MGA KAMAY-ARI
Electric Caravan 2025 (Paleco's 43rd Annual General Membership Assembly Pre-Registration Kick-Off Campaign)
Bilang paghahanda sa nalalapit nating Taunang Pangkalahatang Pagpupulong sa May 17 na sabayang gaganapin sa Edward S. Hagedorn Coliseum sa Lungsod ng Puerto Princesa, Narra Municipal Gymnasium, Octagon Covered Court sa munisipyo ng Brooke’s Point, Roxas Municipal Gymnasium at Cuyo Municipal Gymnasium, magkakaroon ng Pre-Registration Kick-Off Campaign ang Palawan Electric Cooperative (Paleco) bukas, ika-26 ng Abril, sa Laphifa Gymnasium, Brgy. Sicsican mula 7:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Para sa mga miyembro na nais magpa pre-register, magdala lamang ng isang (1) valid ID. Kung hindi naman makakadalo bukas ang mismong miyembro, maaaring ipakisuyo ang pagpapa pre-register (siguraduhin lamang na sa mismong araw ng AGMA ay ang miyembro na ang dadalo at na may dala itong isang valid ID).
Liban sa pre-registration, ilalapit din ng Paleco ang mga sumusunod na serbisyo sa mga dadalo:
1. Mobile Collection
2. Application for new service connection
3. Membership sanitation (Change of Name/Transfer of Ownership)
4. kWh meter exhibit
5. Information/Complaints/Billing Inquiry Desk
Mayroon ding LIBRENG GUPIT at maaari ring manalo sa RAFFLE ang mga dadalo (miyembro man o hindi) bukas.
May dala ring magandang balita ang General Manager ng Paleco na si Engr. Rez L. Contrivida kaya’t punta na!
- Share to Facebook