Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PABATID SA LAHAT NG MGA KASAPI

Ang lahat ng mga kasapi ng Palawan Electric Cooperative ay iniimbitahan na dumalo sa ating ika-41 na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng mga kasapi nito sa ika-20 ng Mayo, 2023. Ito ay sabayang gaganapin sa Palawan National School Gymnasium, Roxas Municipal Gymnasium at Narra Municipal Gymnasium; at virtual sa pamamagitan ng Facebook Live. Ang pre-registration para sa mga dadalo sa face-to-face at virtual ay gaganapin sa mga opisina ng PALECO simula Abril 20. Samantala, sa araw mismo ng pagpupulong, magsisimula ang rehistrasyon sa ganap na ala-siyete ng umaga (7:00 A.M.) at ang pormal na pagpupulong ay mag-uumpisa sa ganap na ala-una ng hapon (1:00 P.M.).
 
Nakatakdang pag-usapan sa nasabing pagpupulong ang mga sumusunod:
1. Pagdeklara ng Dividends at Patronage Refund para sa Net Surplus ng Kooperatiba sa Taong 2019, 2020 at 2021;
2. Pag amyenda sa Articles of Cooperation and By-Laws;
3. Paghalal ng mga miyembro ng Audit at Election Committee ng ating Kooperatiba;
4. Pagpapakilala ng naitalagang komiti ng Mediation and Conciliation, Education and Training, Gender and Development at Ethics Committee ng ating Kooperatiba;
5. Presentasyon ng Social Development Plan para sa taong 2023;
6. Presentasyon at pagsusog ng Capital Expenditures ng Kooperatiba sa taong 2023 to 2027.
7. Iba pang Mapapagkasunduang Pag-uusapan (Other Matters)
8. Malayang Talakayan (Open Forum)
 
Ang bawat miyembro na dadalo ay bibigyan ng P300.00 na insentibo at may pagkakataong manalo sa gagawing Raffle Draw. Samantala, ang mga dadalo sa virtual meeting ay makakasali rin sa Raffle. Inaasahan po ng Kooperatiba ang inyong pagdalo at pakikiisa sa nasabing pagpupulong.
 
Maraming salamat po.
 
Ang nagpapabatid,
G. NIEL L. CINCO
Kalihim
PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com