Palawan Electric Cooperative

"PALECO ay palaguin, ito ay atin!"

PABATID - PALECO DISTRICT III ELECTION 2023

P A B A T I D


District III (Northern Barangays of Puerto Princesa)


Nakatakdang halalan – January 28, 2023


Ipinapabatid ng pamunuan ng PALECO na ang desisyon ng National Electrification Administration (NEA) sa naging apela ng ikalawang kandidato mula sa District III (Northern Barangays of Puerto Princesa) ay DISQUALIFIED ito para tumakbong miyembro ng PALECO Board of Directors (BODs) sa nasabing distrito.


Dahil dito, magsisilbing lone candidate si G. JUANCHO M. BELGADO na naunang pumasa sa isinagawang pagsusuri ng Screening Committee.


Ayon sa Section 5, Article I ng PALECO Election Code, sa kaso na tanging iisa ang nag-qualify bilang kandidato, isang boto lamang ang kanyang kinakailangan upang maideklara siyang panalo.


Subalit, inaanyayahan pa rin ang lahat ng miyembro ng ating Kooperatiba mula sa District III, na binubuo ng Barangays Tagburos, Sta. Lourdes, Bacungan, Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Buenavista na bumoto.


Gaganapin ang eleksyon sa isang presinto lamang at ito ay sa Barangay Hall ng Brgy. Tagburos, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.


Paalala lamang na hindi pinapayagan ang proxy voting at magdala ng isang (1) valid ID.

Magkita-kita po tayo sa January 28!

PHP Code Snippets Powered By : XYZScripts.com